Abante Tonite
Abante-tonite.com
Our Feature website for the Month of June, 2007
Ngayon ay natamo ng TONITE, isang pahayagang nasusulat sa Pilipino, ang pinakamalaking sirkulasyong hindi pa nararating ng alinmang pahayagan sa Pilipinas, ito man ay nasusulat sa Pilipino o Ingles.
Nilalathala ng Monica Publishing Corporation (MPC), ang TONITE ay lumalabas pitong araw sa isang linggo. Isinilang ito noong 1988 at sa maikling panahon ay naestablisa nito ang sariling mambabasa sa merkado ng panghapong pahayagan.
Ang MPC, na solong pag-aari ng pamilya ni Amado P. Macasaet, ang siya ring naglalathala ng 16-pahinang ABANTE, isang pang-umagang pahayagan na nangingibabaw naman sa merkado ng pang-umagang pahayagan sa Kalakhang Maynila at sa buong bansa.
Ang kasalukuyang Chairman of the Board ng MPC ay ang beteranong mamamahayag na si Amado P. Macasaet. Ang tagapangulo nito ay si Allen A. Macasaet, na siya ring nakaupong publisher ng ABANTE at TONITE, kapwa ng print at online editions.
Pangunahing layunin ng TONITE na mapaglingkuran ang sambayanang Filipino — sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng daigdig sa pamamagitan ng paglikha, pangangalap at pamamahagi ng mataas na uri ng mga balita, impormasyon at libangan sa papel. At ngayon ay sa internet.
Umaasa kaming magiging kapaki-pakinabang sa inyo ang site na ito. Para sa inyong mga katanungan at komento, mangyaring ipadala lamang sa aming e-mail address na
![]()
Incoming search terms:
- abante dyaryo
- bahagi ng pahayagan o dyaryo
- website ng dyaryo
- Abante showbiz
- website of abante
- abante tonite showbiz news
- abante tonite
- website abante tonite showbiz
- web site ng dyaryo
- website ng abante
Toni Gonzaga
Jose de Venecia, Jr.