‘Pat is Tin’ TV series shelved

valerie_concepcion MANILA – Hindi na pala matutuloy ang dapat sana’y pang-hapong teledrama ng Kapamilya, ang “Pat is Tin” na pagbibidahan sana ni Valerie “Val” Concepcion.

Sinadya ng ABS-CBN.com si Concepcion sa kanyang dressing room at sumang-ayon ito sa balita. Desisyon daw ng kanyang manager na si Becky Aguila to withdraw Val from the project, kaya’t ang nangyari, na-shelve pansamantala ang nasabing proyekto.

Hindi naman kaya nabababaan si Aguila sa talent fee (TF) kaya’t nag-beg-off ito sa maganda pa naman sanang programa?

“Hindi po sa TF. Unang problema is my schedule. Noong finally, maayos ang schedule, iyong role naman ang naging problema namin,” bungad ni Val sa amin.

“Dapat ako si Tin, tapos pinalitan at naging si Pat ako,” kwento ni Concepcion.

Kapag ginawa daw kasi siyang si Pat, lalagyan siya ng prosthetics na would consume a lot of time.

“Kaso, naisip ng production na mahirap akong mag-prosthetics every taping. So, ako na naman si Tin ulit. Ang naging problema lang ni Tita Becky parang sa story kasi, naging minor na iyong role ni Tin. Naging mas malaki ang role ni Pat. So, nag-decide si Tita Becky na huwag na lang muna.”

Malungkot man, naisip rin ni Concepcion na baka hindi pa ito ang right project para sa kanya. “Siguro, not meant for me or maybe it’s not the right project.”

Nanghihinayang din naman si Val na kung tutuusin, handa itong rumaket aside from her “Wowowee” hosting duties at ilang commercials for the future of her daughter Fiona.

“In every project na nawawala, nanghihinayang, siyempre. Excited pa naman ako. ‘Di ba noong storycon ang daming nagtatanong kung kailan ako magso-soap ulit? Heto na nga, hindi na siya natuloy at nakakapanghinayang talaga. But then again, naniniwala pa rin ako sa decision ng manager ko, kaya okay na rin. Maybe it’s (the project) not meant for me and I’ll just wait for the right project at the right time.”

Naungkat din kay Val ang pagsisipag nila nina Mariel Rodriguez, RR Enriquez at Pokwang na gawing exciting ang “Wowowee” kahit wala ang main host na si Willie Revillame.

May update man na babalik na si Willie sa Wowowee on August 29, still she says they miss him a lot.

“Nakaka-miss siya. Kulang na kulang, alam mo ‘yon? Parang ang bagal tuloy ng pagtakbo ng araw, kasi nafi-feel mo yong parang kulang sa dati mo nang nakasanayan everyday, di ba? It’s different. Panibagong adjustments kapag wala siya. Kaya gusto naming bumalik na siya very, very soon dahil nami-miss na namin siya.”

Related Posts with Thumbnails

Incoming search terms:

  • Pat Is Tin
  • valerie concepcion maxim
  • valerie concepcion pat is tin
  • pat is tin hindi na tuloy